Wednesday, November 13, 2013

Kar 7:22b – 8:1 ● Slm 119 ● Lc 17:20­25

Sinabi ni Jesus sa mga alagad: “Darating ang panahon na pananabikan ninyong makita ang isa sa mga pagpapakita ng Anak ng Tao at hindi ninyo naman makikita. At may mag sasabi sa inyo ‘Narito siya, naroon.’ Huwag kayong pupunta, huwag maghahanap. Sumisiklab nga ang kidlat at nagniningning mula sa isang dako ng Langit hanggang sa kabila, gayun din naman ang Anak ng Tao sa araw ng kanyang pagdating. Ngunit kailangan muna niyang magtiis nang marami at itakwil ng mga tao sa kasalukuyan.”


PAGSASADIWA

Darating ang panahon na pananabikan ninyong makita ang isa sa mga pagpapakita ng Anak ng Tao at hindi ninyo naman makikita. ● Binabanggit ni Jesus na pananabikang tunay ang kanyang “presensiya” na sa katotohanan ay hindi nakabatay sa ating mga mata o kakayahang makakita, ngunit sa isang payak at tuwirang paniniwala na siya ay nasa ating piling na. Ito’y ay isang misteryo na tanging ang may busilak na pusong umiibig sa Diyos ang tunay na makakakita at makadarama. Sa Sa mga taong gumagawa ng mabuti, nananahan ang Espiritu ng Diyos! Kapag naghahari ang pag­ibig sa puso ng tao, naroon ang Diyos!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Kar 7:22b – 8:1 ● Slm 119 ● Lc 17:20­25


No comments:

Post a Comment