Sunday, November 10, 2013

Kampeonato, nais ipabaon ng Letran kay Almazan

Ni Marivic Awitan


Mga laro ngayon (Mall Of Asia Arena):

12:30 p.m. San Beda vs. CSB-LSGH (jrs)

2:30 p.m. San Beda vs. Letran (srs)


Mabigyan ng kampeonato ang kanyang koponan sa NCAA bago ito tuluyang iwanan sa kanyang pag-akayat sa PBA, ang misyon na sisimulan ngayon ni Season MVP Raymund Almazan para sa Letran College sa kanilang pagsagupa sa defending champion at 4- peat seeking San Beda College sa pagsisimula ng kanilang best-of-three finals series para sa NCAA Season 89 basketball tournament.



Ganap na ika-2:30 ng hapon magtatagpo ang dalawang koponan sa laban na gaganapin sa Mall Of Asia Arena sa Pasay pagkatapos ng Game One ng juniors finals sa pagitan ng 5-peat seeking San Beda College Red Cubs at ng challenger nitong CSB-La Salle Greenhills na sisimulan ng alas-12:30 ng hapon.


“Definitely we will go all out. We have nothing to lose here. Actually wala sa amin ang pressure. I’m sure my players will be playing out there for school pride,” pahayag ni Letran coach Caloy Garcia.


Inaasahan din aniya ni Garcia na tutulungan ng kanyang mga kakampi ang kanilang sentrong si Almazan upang mabigyan ito ng engrandeng exit sa kanyang collegiate basketball career.


Kabilang sa inaasahan niyang mangunguna para sa pagsuporta sa misyon ni Almazan sina Kevin Racal, Mark Cruz, Jonathan Belorio at rookie Rey Nambatac. Sa kabilang dako, higit sa paghahangad ng kanilang ika-apat na sunod na tiutlo, nais na ng San Beda Red Lions na tuluyang ibaon sa hukay ang kinasangkutang kontrobersiya ng isa sa kanilang pointguard na si Ryusei Koga.


Kung makakamit nila muli ang titulo, tuluyan nang mababaon ang nasabing isyu ng “larong labas”ni Koga na muntik nang naglagay sa alanganin sa San Beda sa nakaraang Final Four kung hindi nagdesisyon ang ManCom na i-defer na muna ang imbestigasyon.


Bagamat sinasabi nilang sanay na sila sa mga ganitong kontrobersiya, hindi pa rin maitago ang paghahangad ng Red Lions na matakpan ang nasabing isyu sa pamamagitan ng panalo na kanilang ipinakita sa nakarang Final Four match nila ng University of Perpetual Help.


“We have a mission to accomplish and I’m hoping that my boys will stay focused to achieve it,” pahayag ni coach Boyet Fernandez na muli namang sasandig kina Nigerian center Ola Adeogun at mga beteranong sina Rome de la Rosa, Arthur de la Cruz, Baser Amer, Kyle Pascual at ang abli Beda na si Roldan Sara.


Mauuna rito, uumpisahan naman ng Greenies ang matinding misyon na pagtalo ng tatlong beses sa Red Cubs para sa hangad nilang agawin dito ang juniors title dahil may bitbit na bentaheng thrice to beat ang una matapos nitong walisin ang 18 laro nila sa elimination round.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Kampeonato, nais ipabaon ng Letran kay Almazan


No comments:

Post a Comment