Friday, November 15, 2013

Kaguluhan sa Saudi Arabia, umiigting

Riyadh (AFP)— Sumugod ang mga Saudi police noong Huwebes sa isang maralitang pamayanan sa Riyadh matapos isang katao ang nasawi sa kaguluhan ng mga illegal migrant sa nakalipas na gabi, sinabi ng isang AFP correspondent.


At sa commercial capital ng Jeddah, binuwag ng security forces ang malaking protesta ng mga illegal migrant at inaresto ang limang Ethiopian na pinaghihinalaang nagorganisa ng demonstrasyon, sinabi ng isang tagapagsalita ng pulisya.



Ipinagbabawal ang mga protesta sa napaka-konserbatibong kaharian, na umiigting ang tensiyon nang magsimula ang pag-aaresto sa daandaang illegal immigrant kasunod ng pagpaso ng huling amnestiya noong Nobyembre 4 para ayusin nila ang kanilang mga estado.


Ang sagupaan noong Miyerkules ng mga Saudi at illegal migrant sa Manfuhah sa katimogan ng Riyadh ay nauwi sa pagkasawi ng isang Sudanese at pagkasugat ng 17 iba pa, iniulat ng pulisya


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Kaguluhan sa Saudi Arabia, umiigting


No comments:

Post a Comment