Thursday, November 21, 2013

Julius Babao, kamukha na ni Rayver Cruz

ILANG araw nang panay ang comment ng mga kasama namin sa bahay sa tuwing umiere ang news program na Bandila sa ABS-CBN. Nakadi-distract daw ang lips ni Julius Babao habang nanonood sila ng balita. Oks na raw ang pagpapatubo nito ng bigote at balbas, bagay sa kanya at kamukha n’ya na si Rayver Cruz. Mukha ring chickboy ang kanyang dating. Pero itong kanyang nguso na mukhang baliktad na raw sa bandang taas ay nakasisira sa kanyang kaguwapuhan. Ito raw ba’y pinalakihan niya o gawa lang ng lipstick?


May kumampi naman kay Julius at ang sabi’y kissable lips nga raw ito. Hehehe!

Kidding aside, kung meron mang news anchor na dapat idolohin, si Mr. Babao ito.

Mangilan-ngilan lang ang katulad niyang may malinis na pagkatao at hindi nasasangkot sa mga ‘padulas’ na talamak sa media.


***

SEXY STARLET, TYPE CHORVAHIN NG BOSS NG NETWORK


ILANG araw na naging guest sa kilalang TV network ang sexy starlet na paboritong pabalat ng mga magazine. Ayon sa bulong-bulungan na nasagap namin, si boss daw ng network ang nag-utos na damputin, este, hanapin ang starleta at bigyan ng trabaho. Maganda at sexy ang hitad, sayang kung mabuburo lang ang beauty niya sa probinsiya.


Dahil sa order ni boss, amoy na amoy ng mga empleyado na naka-line up na ito sa mga chochorvahin ng una na masyadong magana sa tsiks kaya nananatiling matikas sa kabila ng may edad na ito.


Kaya huwag nang magtaka kung sa mga susunod na araw ay makita na lamang nating sandamakmak ang project na ginagawa ng lekat sa nabanggit na network.


Ang maganda rito, mula noon at hanggang ngayon ay walang nagiging kaagaw sa mga artistang natitipuhan si boss dahil ang kanyang mga executive ay puro baklita at natural ang hanap ng mga itetch ay mhin. Hehehe!


***

UNANG HIRIT HOSTS, NAGPA-AUCTION NG MGA GAMIT PARA SA MGA BIKTIMA NI YOLANDA


NAGBEBENTA ngayon ng ilan sa kanilang mga gamit ang Unang Hirit hosts para makalikom ng pondo para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.


Ilan lamang sa mga gamit na pinapa-auction ay ang designer clotheS, shoes, bags at accessories ng inyong paboritong Unang Hirit hosts tulad nina Arnold Clavio, Rhea Santos, Connie Sison, Ivan Mayrina, Suzi Entrata-Abrera, Lyn Ching, Pia Arcangel, Luane Dy, Atty. Gaby Concepcion, Olen Juarez-Lim, Monica Verallo at Lhar Santiago.


Ipapakita sa Unang Hirit at ipo-post sa Facebook Page ng Unang Hirit ang litrato ng mga item na pinapa-auction kada araw. Nakalagay rin sa ilalim ng bawat litrato ang starting price.


Para makasali sa online auction, dapat i-like ang Facebook Page ng Unang Hirit. Para mag-bid, mag-iwan lamang ng komento sa ilalim ng litrato ng item na gusto mong bilhin. Magsasara ang bidding ng 6:00PM sa araw na naka-post ang item.

Mapupunta ang item sa may pinakamataas na bid. Sa pamamagitan ng personal message, kokontakin ng Unang Hirit ang mga highest bidder. Dapat i-claim at bayaran ang mga item sa GMA Network Center sa takdang oras. Ibang items naman ang ipapa-auction sa susunod na araw.


Lahat ng malilikom ay ibibigay sa GMA Kapuso Foundation.


Ang UNANG HIRIT Online Auction para sa Bagyong Yolanda ay magtatagal hanggang November 22, Biyernes. Huwag palampasin ang pagkakataong magkaroon ng gamit ng inyong idolo at makatulong sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyong Yolanda.


Manood ng Unang Hirit, Lunes hanggang Biyernes tuwing alas-singko ng umaga.


***

For comments, suggestions & news feed, text me at #09234703506 or email at kuya_abepaul@yahoo.com.


Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2-3 p.m, Monday to Friday. Mabalos!


The post Julius Babao, kamukha na ni Rayver Cruz appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Julius Babao, kamukha na ni Rayver Cruz


No comments:

Post a Comment