Friday, November 15, 2013

Julia Montes at Ejay Falcon, magtatambal

JULIA Montes and Ejay Falcon


MAGTATAMBAL sa unang pagkakataon sina Julia Montes at Ejay Falcon para sa panimulang handog ngayong gabi sa Wansapanataym Christmas Special. Pinamagatang “The Christmas Visitor,” bibigyang-buhay ni Julia ang karakter ni Maria, anak ng isang mayamang negosyante na iibig sa janitor na si Joey (Ejay).



Dahil sa kagustuhang makuha ang loob ng ama ni Marian, hihilingin ni Joey sa isang mahiwagang parol na magkaroon siya ng sapat na gamit at masasarap na pagkain sa araw ng pagbisita ng pamilya ng babaeng na si Kris Aquino para naman sa kategoryang Best Entertainment Presenter/Host (Kris TV).


This year, walang nakuhang nominasyon ang TV5. Sa 17th Asian TV Awards last year, nag-uwi ang Kapatid Network ng isang pinakamamahal niya.


Ngunit nang pagbigyan ang kanyang kahilingan, susubukin ang kabutihang-Ioob ni Joey nang hingan siya ng tulong ng mga taong mas nangangailangan.


Paano matututuhan ni Joey na mas matimbang ang pagkakaroon ng busilak na puso kaysa sa pagaari ng mga materyal na bagay?


Makakasama nina Julia at Ejay sa “The Christmas Visitor” episode sina Tirso Cruz III, Janice Hung, at Perla Bautista mula sa panulat ni Noreen Capili at sa direksyon ni Jon ‘Spongky’ Villarin. – Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Julia Montes at Ejay Falcon, magtatambal


No comments:

Post a Comment