Thursday, November 14, 2013

John Lapus, may tampo sa Viva Films

ni Ador Saluta


JOHN Lapus NILINAW ni John Lapus sa presscon ng kanilang movie ni Pokwang na Call Center Girl na hindi masama ang loob niya sa

Viva Films, ang kanyang mother studio.


“Nagtatampo lang,” pilit ang ngiting sagot ni Sweet nang tanungin tungkol sa hindi niya pagkakatuloy sa big movie na ipinangako sa kanya.



Ang project ay ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy na ginagawa ngayon ni Vice Ganda for MMFF 2013 at ang Bekikang na naging launching movie naman ni Joey Paras.


“Hindi lang ‘yan, bago pa ang dalawang project na ‘yan, meron pang This Guy’s In Love With You Mare na sinabi sa akin,” kuwento ni Sweet sa amin.


Mabuti na lang daw at magkaibigan sila ni Joey Paras kaya nagkakaintindihan silang dalawa. Ang ipinagtataka raw niya ay kung bakit initsa-puwera na siya ngViva.


“Bakit siya (Joey) pa ang nauna, eh, kapipirma lang niya at ang kontrata ko last year pa!” katwiran ni Sweet.


Star Magic ang humahawak ng kanyang career sa ABS-CBN at ani Sweet, hindi naman daw nagkukulang ang Star Magic sa pagpa-follow-up sa Viva regarding his projects.


“Ang Star Magic, nagbibigay-pugay naman sa kanila(Viva) kahit hindi kinakailangan. Hindi nagkulang sa suporta ang Star Magic sa akin,” sey pa niya.


Dapat daw ay ngayong December ,2013 matatapos ang kontrata niya sa Viva Films pero humiling Silang i-extend pa ito ni Sweet hanggang June 2014.


“So ang sabi ko nga, antayin na lang natin kung may darating, kung ibibigay,” sabi pa ng comedianhost.


“Nalulungkot lang ako. Napakaingrato ko naman kung sasabihin kong sumasama ang loob ko. May utang na loob naman ako sa Viva at mararni na akong pelikulang ginawa d’yan. I dont want to burn bridges with them. Gusto ko lang malaman nila na nalulungkot ako,” pagtatapos ni John.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



John Lapus, may tampo sa Viva Films


No comments:

Post a Comment