Monday, November 18, 2013

Jessica Sanchez, aawit sa Pacquiao-Rios fight

PUMAYAG ang American Idol runner-up na si Jessica Sanchez sa hiling ni Manny Pacquiao na siya ang kakanta ng national anthem sa kanyang duwelo kay Brandon Rios sa Nobyembre 24.


Ipinaabot ni Pacman ang imbitasyon kay Sanchez sa pamamagitan ng Twitter post.


“@jessicaesanchez would you do me the honor of singing the national anthems before our fight? #PacRios”


Tinugunan naman ito ng mang-aawit ng: “Yes! I’m honored!”


Si Sanchez ang umawit ng national anthem ng Amerika nang pabagsakin ni Timothy Bradley si Pacquiao noong Hunyo 2012.


Ang bakbakang Pacquiao-Rios sa Macau ay pagtatangka ng Pinoy boxer na makabangon mula sa dalawang talo at bilang alay na rin sa mga kababayang sinalanta ng bagyo.


The post Jessica Sanchez, aawit sa Pacquiao-Rios fight appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Jessica Sanchez, aawit sa Pacquiao-Rios fight


No comments:

Post a Comment