Monday, November 25, 2013

Jasmin at Sam, relasyon na walang aminan

FOLLOW-UP ito sa Spin Nation ng TV5 na naging big hit agad sa young audience nang magkaroon ng pilot telecast last Saturday.


Pinanood pala ni Sam Concepcion at ng mga kaibigan nito ang bagong programang ito ni Jasmin Curtis-Smith.


Kuwento sa amin ng kampo ng TV host/singer, proud na proud daw si Sam kay Jasmin. Nakapagtanong tuloy kami ng malakas na BAKEEET?



“eH, kasi special friends sila,” sabi sa amin.


Special friends as in mag-boyfriend?


“Eh, hindi naman inaamin pa, pero sa tingin namin, oo, sila na, ayaw lang aminin. Pero okay na ‘yun kasi mabait at sweet si Jasmin sa lahat ng kaibigan ni Sam, at siya lang ang ipinakilala ni Sam sa lahat, pati sa manager niyang si Carlo Orosa, dinala niya sa Stages at ipinakilala.


“Dati kasi nu’ng si Coleen (Garcia) ang dyowa niya, hindi niya ipinakilala, nalaman na lang namin na sila na, pero hindi pa rin nila inamin, ha-ha-ha,” kuwento sa amin.


Napaisip kaming bigla. Oo nga, hindi inamin ni Sam na naging girlfriend niya si Coleen, si Enrique Gil lang ang umamin na ex-girlfriend niya ang dalaga.


Hmmm, mahilig pala sa magaling sumayaw si Coleen. Una si Enrique, ‘tapos si Sam, sumunod si Gab Valenciano at nali-link naman siya ngayon kay Billy Crawford.


Back to Sam and Jasmin, bagay sila dahil parehong matatas magsalita ng English, parehong may talent, at parehong sikat.


Teka, hindi kaya sina Yael Yuzon at Karylle ang peg nina Sam at Jasmin na hindi tahasang umaanim sa tunay na relasyon? –Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Jasmin at Sam, relasyon na walang aminan


No comments:

Post a Comment