Monday, November 25, 2013

Janitor tigok sa suntok ng kaaway

PATAY ang isang janitor nang mabagok ang ulo matapos ang malakas na suntok na dumapo sa kanyang mukha mula sa dati niyang kaaway kahapon sa Pasay City.


Ilang oras ding idineklarang comatose ang biktimang si Edwin Angeles, 32 ng 102 Pluto St., Brgy Zone Valley NAIA sa Pasay City General Hospital bago tuluyang bumigay sanhi ng namuong dugo sa kanyang utak makaraang magkaroon ng lamat ang bungo.


Lumabas sa imbestigasyon na bago nangyari ang insidente, nakaaway muna ng biktima ang kapitbahay na si Modesto Guilino, Jr. 39, alas-2:30 ng hapon.


Natutulog si Gulino nang pagbabasagin ng lasing na si Angeles ang electrical sub-meter ng kanilang tirahan na naging dahilan upang magising ang kapitbahay.


Kinompronta umano ni Guilino ang biktima na nauwi sa kanilang pagsusuntukan hanggang mamagitan ang mga opisyal ng barangay.


Habang inaayos nina Barangay Kagawad Ernesto Bermas at Romeo Olaso ang gusot sa pagitan ng magkapitbahay, biglang sumulpot si Antonio Partosa, 43 na matagal nang kaaway ni Angeles at sinuntok ang biktima sa mukha na ikinalugmok nito na una ang ulo sa semento.


Kaagad na tumakas si Partosa nang makitang bumagok ang ulo ng biktima habang sumuko naman sa pulisya si Guilino.


The post Janitor tigok sa suntok ng kaaway appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Janitor tigok sa suntok ng kaaway


No comments:

Post a Comment