Thursday, November 7, 2013

Jake, crazy in love kay Jessy

PATULOY na pinag-uusapan ang Maria Mercedes hindi lang dahil sa patuloy na pagtaas ng ratings ng programa kundi dahil na rin sa mga bidang sina Jake Cuenca at Jessy Mendiola.


JESSY Mendiola Kung umiiwas pa si Jessy na pag-usapan ang isyu ay very vocal naman si Jake sa pagsasabing totohanan daw ang panunuyo niya sa leading lady niya.



Kapansin-pansin na rin ang romantic scenes na napapanood sa Maria Mercedes na mukhang may something na ngang namagitan kina Jessy at Jake.


Ayon kay Jake, hindi lang daw pangtelebisyon ang nararamdaman niya kay Jessy. Totoo raw na malaki ang gusto niya sa

aktres at hindi raw ‘yun gimik lang para mapag-usapan nang husto ang show nila.


Hindi lingid kay Jake na unang nagparamdam kay Jessy ang kaibigan niyang si Sam Milby pero hindi raw ‘yun makakahadlang sa panunuyo niya sa magandang leading lady.


“Sa akin lang naman, eh, ayaw ko rin namang masira ‘yung pagkakaibigan namin ni Sam Milby. Ginagawa ko lamang ‘yung

nararamdaman ko, gusto ko talagang ligawan si Jessy,” banggit pa sa amin ni Jake.


Kahit may mga nakarating nang balita kay Jake na nagkakamabutihan na sina Sam at Jessy, ayaw itong paniwalaan ni

Jake.


“May mga nagsabi naman talaga sa akin na ‘wag na akong manghimasok dahil may Sam na raw si Jessy pero sa pagkakaalam, ko, eh, hindi pa talaga sila,” aniya pa.


Nagkausap na sila ni Sam ang tungkol dito?


“Oo naman, sabi ko nga sa kanya, ‘may the best man win’. Kung alam kong du’n magiging masaya si Jessy at the end of the day, tatanggapin ko. Kasi sa ngayon, hindi ako nagmamadali, ganu’n din si Jessy. This time around, lalo na kung si Jessy ang magiging girlfriend ko. Gusto ko sigurado ako at gusto ko maalagaan siya nang tama. Hindi ko na kukuwestiyunin kung papayag siya on the long run,” serysosong pananalita ng binata.


“Sa totoo lang, parang nagiging natural tuloy ‘yung mga eksena namin sa Maria Mercedes. Pareho kaming kinikilig-kilig, niloloko kami nila Direk. Nakakatuwa, natutuwa lang ako na tanggap kami ng tao. Nagugustuhan nila ang team-up namin ni

Jessy. Sana marami pang sumuporta at marami pang kaabang-abang na eksena naming dalawa,” sey pa niya.


Anu-ano ang nagustuhan ni Jake kay Jessy?


“Bukod sa napakaganda niya, may certain quality na gusto ko sa kanya — ‘yung pagiging simple niya. Parang napaka-authentic niyang tao. Para sa akin, napaka-special niya, maging girlfriend niya. Kung ako man ‘yun o kung sinuman, napakasuwerte ng lalaking ‘yun. Kung ako man ang suwertehing maging boyfriend niya, aalagaan ko siya.”


Halos araw-araw ay magkakasama silang dalawa sa taping at ‘yun ang lamang niya kay Sam Milby. Hindi kaya sa kalagitnaan ng serye ay kasintahan na niya si Jessy?


“Well, tingnan na lang natin. Sabi naman niya sa akin, hindi rin siya nagmamadali, pareho ko. Hindi rin ako nagmamadali, mahaba pa ang tatakbuhin ng show. Bukod du’n, maganda ‘yung feeling, walang pressure, di ba? Kinikilatis ko siya, kinikilala niya ako. Sa ngayon, okay naman ang samahan namin, masaya,” kinikilig at nakatawang banggit sa amin ng alaga ng kaibigang si Niel de Guia. –.Jimi Escala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Jake, crazy in love kay Jessy


No comments:

Post a Comment