Monday, November 18, 2013

IPAGDIWANG ANG IYONG TAGUMPAY

Ang intensiyon ng pagdiriwang ng maliliit na tagumpay ay ang bigyan mo ang iyong sarili ng kahit kaunting pagmamahal dahil sa pagsisikap na ibinubuhos mo sa bawat tungkulin araw-araw. Narito pa ang ilang panuto, kasunod ng paggawa ng listahan ng mga gawain:



  • Isulat mo nang lahat sa iyong listahan. – Ang malalaki, ang maliliit, ang pansamantala at ang permanenteng gawain ay isama mo na sa iyong listahan. Ang maliliit na gawain ang magpapalaya sa iyo. Ang lahat ng nasa listahan mo ay mahalaga sa iyong pagdiriwang ng maliliit na tagumpay. Ganito ang karaniwang laman ng aking listahan sa notepad feature ng aking cellphone: (1) Tahiin ang pasang ng basketball shorts ni Papa, (2) Sumulat ng column para sa Balita, (3) Hanapin ang magazine na hiniram ko sa aking amiga, (4) Mamalenge para sa lunch. (5) Magluto ng lunch, (6) Bayaran ang Meralco bill, (Tawagan sa landline ang biyenan, kumustahin ang kanyang kalusugan, (7) Tapusin ang report para kay boss, (8) Linisin ang banyo, lalo na ang kasilyas, (9) Maglaba. (10) Plantsahin ang aking office uniform.


  • Ang lahat ng ito, gaano man kaliit, mahalaga. Kapag natapos mo ang isang item sa iyong listahan, mayroon ka nang rason upang magdiwang. Sa totoo lang, pagkatapos kong maglinis ng kasilyas, nagse-celebrate ako sa lamamagitan ng isang shot ng red wine, ngingiti ako at sasabihin sa aking sarili: It’s a job well done! Talagang ikinatutuwa ko amg pagbura sa listahan ng mga bagay na aking na-accomplish. At kahit nabura mo na ang isang gawain, ibabalik mo uli iyon upang gawin sa takdang araw. Sa prosesong iyon, pinaiigting ang pakiramdam na mayroon kang natapos.



  • Ipagdiwang ang maliliit na tagumpay. – Pasalamatan mo ang iyong sarili s maliliit na bagay na iyong naa-accomplish bawat araw. Kung ang nagawa mo lang ay ang kulayan ng itim (or violet) ang buhok ng tumatanda mong nanay, ipagdiwang mo pa rin sapagkat iyon ay isang tagumpay.


Huwag mo ring kalimutan na kailangan mong magpahinga sa tuwing makakatapos ka ng gawain kahit sandali lang.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



IPAGDIWANG ANG IYONG TAGUMPAY


No comments:

Post a Comment