Wednesday, November 20, 2013

Int’l celebrities, patuloy sa pangangalap ng pondo para sa ‘Yolanda’ victims

SCARLETT Johansson


Nina Pau Aguilera at Annie S. Alejo


KABILANG na ang Hollywood actress na si Scarlett Johansson sa dumaraming international celebrities na nananawagan ng tulong para sa mga sinalanta ng super bagyong ‘Yolanda’ (international name Haiyan) sa Visayas.


“Typhoon Haiyan has washed away entire towns in the Philippines. Thousands of people are now feared dead. Oxfam is on the ground and hopes to reach half a million survivors. We can help,” sabi ni Scarlett sa 15-segundong YouTube video na in-upload sa website ng Oxfam (oxfam.org), na siya ay ambassador.



Ang Oxfam ay isang international confederation ng 17 organisasyon na may iisang layunin at binubuo ng mahigit 90 bansa, “working together to find lasting solutions to poverty and injustice.” At “To reach the most vulnerable families with safe water and sanitation facilities” ang prioridad nito.


Samantala, nakibahagi ang American country singer-actor na si Billy Ray Cyrus sa “Help for the Philippines” telethon ng KTLA 5 Morning News sa Amerika.


Sa litratong in-upload sa Twitter account ng nasabing morning news program, makikita ang ama ng pop star na si Miley Cyrus habang kinakapanayam ng Fil-Am news presenter ng KTLA na si Cher Calvin, na dating news anchor-host sa Pilipinas.


“At 7 p.m.: @billyraycyrus joins host @chercalvin for the ‘Help For The Philippines’ telethon. Donate: (323) 606-7201,” saad sa caption.


Sa nasabi ring programa nagsagawa ang Filipino boxing icon na si Manny Pacquiao — na nakatakdang lumaban kay Brandon Rios Linggo (Nobyembre 24, petsa sa Pilipinas) — ng “personal appeal” sa mga manonood “[to] please give what you can” sa kanyang mga kababayang sinalanta ng sunud-sunod na kalamidad.


Sa Britain, iniulat ng British Broadcasting Corporation (BBC) na marami nang celebrities ang nakibahagi sa isang telethon na lilikom ng pera para sa mga nakaligtas sa pananalasa ng Yolanda.


Kabilang ang sikat na British band na One Direction sa mga nakibahagi sa fund-raising, na pinangunahan ng Disasters Emergency Committee (DEC) ng United Kingdom. Lumabas din ang banda sa isang litrato habang hawak ang placard na nasusulatan ng numero ng telethon. Nakasulat sa ilalim nito ang #TyphoonAid, kasama ang logo ng DEC.


Ayon sa BBC report, ang miyembro ng One Direction na si Liam Payne ang naglunsad ng telethon sa Twitter. Quoted si Liam sa pagsasabi ng: “The pictures I have seen of little children in between the ruins made my heart break. All of us in the band are shocked by how many people need help, so we’re asking the public to continue to be as generous as they possibly can.”


Nag-tweet din si Liam noong Nobyembre 18: “Help the people of the Philippines. Please call @decappeal Philippines telethon on 03706060610 between 4pm to 7pm #TyphoonAid.”


Ang iba pang British celebrities na nakibahagi sa pangangalap ng donasyon para sa DEC noong Nobyembre 18 ay si Chef Jamie Oliver, ang modelong si Daisy Lowe, broadcaster na si Richard Madeley, komedyanteng si Frank Skinner, singer/actress na si Amanda Holden, ang mga aktres na sina Joanne Froggatt at Lisa Snowden, ang aktor na si Alan Rickman (Harry Potter movies), actor/comedian na si Nick Frost, at ang iba pang tampok sa British talent show na Strictly Come Dancing.


Sa hiwalay na ulat sa www.looktothestars.org, sinabing nakalikom na ang DEC ng £23M (P1.6 bilyon) sa unang 48 oras ng fund-raising.


Iniulat naman ng BBC na ang nalikom na pondo ay umabot na sa £39M (P2.7 bilyon) simula nang manalasa ang super bagyo noong Nobyembre 8.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Int’l celebrities, patuloy sa pangangalap ng pondo para sa ‘Yolanda’ victims


No comments:

Post a Comment