Wednesday, November 20, 2013

Iloilo, nangangailangan ng P10.27-B sa rehabilitasyon

Ni Tara Yap


ILOILO CITY, Iloilo— May kabuuang P10.27-bilyong budget ang ipinanukala para sa rehabilitasyon ng probinsiya ng Iloilo mula sa pinsalang idinulot ng super typhoon Yolanda.


Inaprubahan ito ni Iloilo Governor Arthur Defensor Sr. matapos ang pagpupulong kay Iloilo Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).



Ang panukala ay ibinatay sa rapid damaged assessment na inihanda ni Jerry Bionat, executive director ng Iloilo PDRRMC.


May 223 katao ang nasawi sa Iloilo dahil sa hagupit ni ‘Yolanda’ habang 21 ang nawawala. May 81,851 kabahayang ang lubusang nawasak at 82,367 ang bahagyang nasira.


Ang P10.27-bilyong panukala ay iendorso sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa pagpopondo. Ang pinakamalaking alokasyon ay ang P8.15-bilyong financial assistance sa mga namatayang pamilya, mga bahay na nawasak o bahagyang nasira, at ayuda sa kabuhayan.


May P797.9-milyong budget ang ilalaan para sa health-related damages. Ito ay kinabibilangan ng pagbibili ng mga medical supplies, X-ray machines, at iba pang kagamitan sa mga ospital na nasira; pagkukumpuni sa mga nasirang ospital; rehabilitasyon sa water resources; konstruksiyon ng mga palikuran; at pagsasagawa ng psycho-social treatment para sa mga biktima.


Ang P567.48-milyong budget ay para sa replacement ng 179 nawasak na silid-aralan at pagkukumpuni sa 2,132 silid-aralan na bahagyang nasira.


Ang P411.50-milyong budget naman ay nakapanukala para sa sektor ng agrikultura ng lalawigan. Ito ay ilalaan sa rehabilitasyon ng small-scale irrigation, ayuda sa mga binhi o kagamitan sa pagsasaka, at paggamot sa mga apektadong kahayupan at manukan.


Ang P61.47-milyon ay ipinanukala para sa rehabilitasyon ng mga kalsada at tulay.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Iloilo, nangangailangan ng P10.27-B sa rehabilitasyon


No comments:

Post a Comment