Tuesday, November 5, 2013

IED napigilang sumabog sa Maguindanao

DAHIL sa pagiging alerto, napigilan ng 2nd Mechanized Infantry Brigade ang isa na namang pagsabog sana ng improvised explosive device (IED) sa Maguindanao.


Ayon kay Colonel Dickson Hermoso, tagapagsalita ng 6th Infantry Division, nakita ng mga sundalo mula sa 46th Infantry Battalion ang kahina-hinalang lalagyan na iniwan sa isang waiting shed sa highway ng Barangay Iganagampong, Datu Unsay, Maguindanao.


Sinabi ni Hermoso, nagpapahinga ang mga sundalo sakay ng military track nang makita ng isa nilang kasamahan ang kahina-hinalang lalagyan.


Agad na siniyasat ng mga sundalo ang kahina-hinalang lalagyan at nakumpirmang isa iyong IED na gawa mula sa 81 mm mortar at may kasamang mobile phone bilang triggering device.


Ayon kay Hermoso, kaagad na na-diffuse ng Army bomb disposal team ang IED.


The post IED napigilang sumabog sa Maguindanao appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



IED napigilang sumabog sa Maguindanao


No comments:

Post a Comment