Tuesday, November 26, 2013

IBANG KLASE

IBANG klase ang reaksyon ng mga Pinoy sa pagkapanalo ni Manny Pacquiao sa laban niya sa Macau noong Linggo.


Bago pa man nagbigay ng kung ano-anong komento ang mga kababayan natin gaya ng nakagawian tungkol sa detalye ng nangyaring bakbakan ay nagpasalamat muna ang marami sa pambansang kamao.


Ang daming nag-thank you kay Manny, dito sa Pilipinas at maging ang mga kababayan natin sa ibang bansa, sa pamamagitan ng social media.

Ibang klase.

Nakatutuwa.

Thank you raw sa inspirasyon.

Salamat sa ibinigay mong pag-asa, Manny.

Thank you, Pacman, for lifting the Filipino spirit.


Maging ang mga nasalanta ng Yolanda sa Kabisayaan ay nabuhayan ng loob at buong pagbubunying ipinagdiwang ang pagkapanalo ni Manny na parang sila mismo ang nanalo.


Nakatulong na inialay ni Congressman Manny Pacquiao sa mga nasalanta ng bagyo ang kanyang panalo. Kaya naman ganoon na lang ang pagbubunyi ng bayan nang idineklarang si Pacquiao na nga ang winner.


Ibang klase na rin daw bilang boksingero si Manny ngayon, maingat at parang naawa pa raw kay Rios, ayon sa obserbasyon ng ilan. Kaya kahit marami ang medyo bitin dahil hindi na-KO si Rios, okay rin at kuntentong-kuntento ang kahit sino sa pagkapanalo ni Manny.


Ang sabi nga ng coach mismo ni Manny na si Freddie Roach, masayang-masaya siya sa ipinakitang laban ni Manny. Sa mga nagbadya ng kanyang katapusan ng kawalan na raw ng magic ng kanyang coach, muling pinatunayan ng dalawa ang lakas ng kanilang tambalan. Ibang klase.

Puno pa rin ng apoy ang puso ni Manny, para sa bayan.


Isipin na lang kung hindi niya naiuwi ang korona, anong dalamhati kaya. Pero halos alam natin ang laman ng puso at damdamin ng isang Manny Pacquiao.


Isang dakilang Filipinong atleta na sa mula’t sapul ay inialay ang lahat sa Diyos at bayan.


Muli ay hindi tayo binigo ng ating bayani, sa panahon na kailangang-kailangan natin ang inspirasyon niya.


Maraming Salamat, Manny Pacquiao.


The post IBANG KLASE appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



IBANG KLASE


No comments:

Post a Comment