Tuesday, November 5, 2013

I was in a cult –Michelle Pfeiffer

IBINUNYAG ni Michelle Pfeiffer na naging bahagi siya ng isang kulto.


Isinalaysay ng 55-anyos na aktres ang panahon sa kanyang buhay nang maging kasapi siya ng ‘’a very controlling’’ organization na naniniwalang ang tao ay maaaring mabuhay nang walang pagkain at tubig – isang paniniwala na kilala bilang Breatharianism – at kinailangan niyang sumunod sa istriktong diet noong nagsisimula pa lamang siya sa kanyang career sa Hollywood.



Ginunita ni Michelle – lumipat sa Los Angeles sa edad na 20-anyos – na: ‘’They were very controlling. I wasn’t living with them but I was there a lot and they were always telling me I needed to come more. I had to pay for all the time I was there, so it was financially very draining.’’


Napagtanto lamang ni Michelle na nakapasok siya sa kulto habang tinutulungan ang kanyang dating asawa at aktor na si Peter Horton, sa pananaliksik sa papel nito sa pelikulang ibinatay sa Moonies – ang tawag sa mga tagasunod ng unification church ni Rev. Moon Sun-Myung.


Ayon sa kanya: ‘’We were talking with an ex-Moonie and he was describing the psychological manipulation and it just clicked.’’ Ang mga tagasunod ng Breatharianism ay naniniwala na hindi kailangan ang pagkain at kayang ibigay ng araw ang nourishment na kailangan ng katawan. Ang paniniwalang ito ay umakit ng mga batikos at iniugnay sa pagkamatay ng ilang katao. – Bang


.. Continue: Balita.net.ph (source)



I was in a cult –Michelle Pfeiffer


No comments:

Post a Comment