Thursday, November 7, 2013

HUWARAN SANA

Ang ginawa ninyo, wika ni pangulong Noynoy sa mga sundalong sumabak sa digamaan sa Zamboanga, ay magandang

huwaran sa mga susunod pang salinglahi . Tinukoy ng pangulo ang katapangan at kagitingang ipinamalas ng mga sundalo sa pagsupil nila sa nagalsang MNLF, Miswari faction. Ganito rin sana ang nais mangyari ng mamamayan kay Pangulong Noynoy sa kahilingan sa kanya na alisin na niya ang kanyang pork barrel. Maging huwaran siya ng mga kagaya niyang

nagpapatakbo ng gobyerno at ng mga taong susunod sa kanila.


Ang problema, ayaw ng Pangulo na maging huwaran siya sa kabila ng pangako niyang magiging iba siya sa mga nauna sa kanya . Hindi ba “tuwid na daan” ang ipinangalandakan niya at ipinangangalandakan pang tatahakin ng kanyang pamamahala? Iba raw kasi ang Development Acceleration Program (DAP) at mga napakalaking pondong nasa kamay niya. Ayon sa kanya, ang mga ito ang nagpabilis ng mga kailangan proyekto ng bayan at nagastos sa wastong layunin. Nasabi niya nga na hindi raw sila nagnakaw at hindi magnanakaw. Sila pa nga raw ang nagpapakulong ng magnanakaw. Paano kung iba na ang pangulo? Ang napakalaking pondo ng bayan na tangan niya ngayon ay mapapasakamay sa pangulo na papalit sa kanya. Anong kasiguruhan ng mamamayan na magiging katulad niya ang susunod sa kanya?


Pero , ang talagang isyu ay ang pagunlad ng bansa. Hindi kailanman uunlad ang bansa kung ang malalaking tipak na pondo ng bayan ay nasa kamay ng iilan at sila ang magsasabi kung paano at saan nila gagastusin ito. Unang-una, ang pulitika sa kanyang tunay na buod at layunin bilang “art of self- government “ ay wala nang silbi. Pera na lang ang gagalaw at magpapagalaw sa lahat ng mahalagang aspeto ng pamamahala. Hindi makakakuha ang taumbayan ng lider na nasa kanyang puso ang kanilang kapakanan. Dahil dito, imposible na wastong polisiya para sa ikauunlad ng bayan ang mapapairal. Hindi papayag ang mga politikong isinilang ng pork barrel na maisentro ang salapi ng bayan sa pangkabuuang stratehiya at programang pagunlad.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



HUWARAN SANA


No comments:

Post a Comment