Friday, November 22, 2013

Hubo tabo sa torture scene!

NANGANGAMOY kasal sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban.


Isang mabilis na oo ang isasagot ni Angelica kung sakaling mag-propose ng kasal si Lloydie sa kanya.


27 na ngayon si Angel pero gusto niya talaga magka-baby ‘pag umabot na siya ng trenta.


Basta wait na lang daw ang Banana Split:Extra Scoop star kung kailan siya aalukin ng kasal ng boyfriend.


Anyway, mapapanood ngayong Sabado ang part 2 ng anniversary special ng Banana Split: Extra Scoop kung saan guests sina Arron Villaflor, Arjo Atayde, Mitoy, Klarisse, Janice at Myk.


-0o0-


GRABE ang pasabog ni Cristine Reyes sa pelikula niyang When The Love Is Gone dahil sampung dyug ang ginawa niya. Siyam kay Gabby at isa kay Jake Cuenca.


Suwerte nila, reaksyon na lang ni Cristine na tumatawa.


Nahirapan siya sa first love scene nila ni Gabby dahil intense at medyo rough. Nagsimula raw ‘yun sa labas ng cabana nina Cristine at Gabby.

Magkapitbahay, hindi naman sila magkakilala nu’ng una, nagkatinginan lang, nagkakilala at naganap na dahil pareho silang naghahanap sa pagkukulang ng kanilang mga asawa.


Kahit si Direk Andoy ay pinawisan sa love scene na ‘yun nina Gabby at Cristine.


Hindi minadali ang pelikulang ito dahil almost nine months din bago ito natapos. Nagkaroon din daw ng problema sa continuity dahil ‘yung unang location nila ay naibenta ng may-ari. Ang ending inulit ang mga eksenang nakunan kaya almost ten percent daw ang itinapon.


How true na pasabog din si Gabby Concepcion sa pelikula na kung saan ay may nude scene siya sa kanyang torture scene. Nag-plaster lang daw si Gabby. Ang kinis daw ng puwet ni Gabby.

Nagpasilip pala ang guwapong aktor sa movie na showing na sa November 7, huh! Kasama rin sa pelikula sina Alice Dixson at Andi Eigenmann.


-0o0-


NAGBAGO ang aura ni Jeric Gonzales at pang-leading man ang dating mula nang magbida sila ni Thea Tolentino sa Pyra Babaeng Apoy ng GMA 7. Huling dalawang Linggo na lang ito sa panghapong programa ng Kapuso network.


Masaya siya dahil extended ng dalawang linggo ang Pyra at dito rin nag-improve ang acting niya. Dito nila nasubukan ang mabibigat na roles.


Hindi ba siya na-inlove o na-attract sa kanyang kapareha?


“Nadiskubre ko po kay Thea, magaling talaga tapos masarap katrabaho. Puwede naman kaso..for the meantime sa love team muna pero rito sa Pyra lalo kaming naging close,” sey niya after na magsama sila sa Teen Gen at Love and Lies.


“‘Yung mga secret at problems ng family nakakapag-share kami sa isa’t isa at nakakapagbigay ng advice. Nagkaroon kami ng relationship workshop, nag-share kami ng mga secrets na mahirap sabihin sa isang tao. Nagkaroon din kami ng touch workshop para maging comfortable sa isa’t isa. Hahawakan sa kamay, sa labi,” kuwento niya.


Ramdam ba niya na mas kilala na siya dahil sa kanilang soap?

“Opo nakakatuwa nga po kasi kahit saan ako magpunta ay may nakakakilala sa akin. Kahit hindi ako kilala may nakakapanood ng Pyra, Jeff (karakter niya) ang tawag sa akin. Medyo kilala na po,” bulalas niya.


Umaasa siya na another na lead role ang mapunta sa kanya sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang soap.


The post Hubo tabo sa torture scene! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Hubo tabo sa torture scene!


No comments:

Post a Comment