Thursday, November 14, 2013

Houston Rockets, pinasabog ng Philadelphia Sixers sa OT (123-117)

PHILADELPHIA- Itinala ni guard/ forward James Anderson ang career-high 36 points, habang isinalansan ni center Spencer Hawes ang bola sa rim sa nalalabing 34.9 segundo, upang ibigay sa Philadelphia 76ers ang 123-117 overtime win kontra sa Houston Rockets.


Ikinasa ni guard Tony Wroten, humalili kay Michael Carter-Williams (left arch bruise), ng 18 puntos, 11 assists at 10 rebounds para sa Sixers (5-4), tinapyas ang two-game losing streak.



Ito ang unang career triple-double para kay Wroten.


Umiskor si Houston guard Jeremy Lin, pumalit bilang starter kay injured James Harden (bruised left foot), ng season-high 34 points, hinirit ang 9 sa 15 3-point attempts. Inasinta rin nito ang 12 assists. Nag-ambag naman si center Dwight Howard ng 23 puntos, 15 rebounds at 6 assists para sa Rockets (5-4), habang itinarak ni guard/forward Chandler Parson ang 22 puntos.


Pinuwersa ni Anderson ang overtime sa pamamagitan ng pagbuslo ng 3-pointer sa nalalabing 6.6 segundo sa regulasyon, ngunit umungos ang Rockets sa 114-113 lead sa natitirang 49.1 segundo sa extra period matapos ang hook shot ni Howard.


Naimintis ni Philadelphia guard Evan Turner, nagposte ng 23 puntos, ang layup ngunit nasa tabi niya si Hawes na kinuha ang bola sa rebound bago idinakdak sa ring na nagbigay sa Sixers sa 115-114 advantage. Matapos ang turnover ng Houston, isinagawa ni Turner ang dalawang free throws, may 18.8 segundo pa sa orasan, bago ibinuslo ni Anderson ang dalawa pa upang mapalawig ang iskor sa 119-114.


Tinipa ni Hawes ang 18 puntos at 9 rebounds. Nag-ambag si forward Thaddeus Young ng 15 puntos at 8 boards.


Iginiya ng Philadelphia, sadsad sa 92-82 sa nalalabing 9:13 sa laro, ang 21-11 run, kasama na ang dalawang 3- pointers nina Anderson at Hawes. Ang layup ni Wroten, may 1:44 pa sa korte, ang nagtabla sa laro, 103-103.


Isinukbit ni Parsons ang free throw sa natitirang 48.2 segundo, at pagkatapos ay binutata nito ang layup ni Wroten sa nalalabing 39 segundo sa laro. Makaraan ang palitan ng turnovers, kinonekta ni Houston guard Patrick Beverley ang dalawang puntos sa foul line, may 18.2 segundo pa sa orasan, nagdala sa Rockets sa kalamangan, 106-103,


Ipinako naman ni Anderson ang off-balance 3-pointer.


Nagmintis ang jumper ni Parsons sa pagsasara ng segundo, habang tila naplantsa ni Wroten ang buslo sa pagtatapos ng final buzzer.


Umiskor si Lin ng 12 sa kanyang puntos sa third quarter, ang 9 ay mula sa unang 4:55, nang ang Rockets ay napag-iwanan sa 60-57 sa halftime bago ikinasa ang 72-64 lead.


Napalawig pa nila ito sa 90-80 sa pagtatapos ng period, at angat pa sila sa 94-82 sa kaagahan ng fourth quarter.


Ipininta nina Howard at Lin ang tig-8 puntos upang umakyat ang Rockets sa 31-27 lead sa pagsasara ng segundo sa first quarter, ngunit inirolyo ng Sixers ang 16-6 run sa second period na nagdala sa kanila sa 43-37 lead. Naipako ni Anderson ang 8 puntos, kasama na ang pares ng 3-pointers, habang ibinulsa ni backup point guard Darius Morris ang 5 puntos.


Pinatili ng Philadelphia ang kalamangan sa sumunod na yugto, itinakda ang 60-57 lead sa halftime. Sina Lin at Howard ay kapwa may tig-16 puntos sa puntong iyon, habang dinala ni Anderson ang Sixers na mayroong 15 puntos


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Houston Rockets, pinasabog ng Philadelphia Sixers sa OT (123-117)


No comments:

Post a Comment