Monday, November 4, 2013

Hired killer, pinatay

Isa umanong hired killer na suspek sa pagpatay sa isang mamamahayag ang pinatay makaraang barilin ng riding-in tandem sa Ilocos Norte.


Kinilala ng Ilocos Sur Police Provincial Office ang napatay na si Basilio Yadao, ng Barangay 14, Sinait, at itinuturong suspek sa pagpatay sa broadcaster na si Roger Mariano sa San Nicolas, ilang taon na ang nakalilipas.



Nagtamo si Yadao ng tama ng bala ng .45 caliber pistol sa ulo at balikat makaraang pagbabarilin habang lulan sa motorsiklo.


Hinihinalang isa ring hired killer si Yadao na inupahan para patayin si Mariano. – Fer Taboy


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Hired killer, pinatay


No comments:

Post a Comment