Tuesday, November 19, 2013

Hindi naman totoo ‘yan – Korina Sanchez

Korina Sanchez


FOLLOW-UP ito sa sinulat namin kahapon tungkol sa paghahanap namin sa katotohanan sa likod ng haka-hakang sinuspinde ang TV Patrol news anchor na si Korina Sanchez bunsod ng uminit sa social media na komento niya sa Yolanda coverage sa CNN ng American journalist na si Anderson Cooper.



Bagamat nauna nang itanggi ng aming espiya sa news department ng ABS-CBN ang usap-usapang suspension, na hindi suspendido si Korina kundi pinagbakasyon lang ng dalawang linggo with pay kaya tuloy ang Rated K program niya na

napapanood tuwing Linggo.


Ganito rin halos ang pahayag ng publicist ni Korina na si Chuck Gomez at ayon naman sa manager na si Girlie Rodis ay dineploy ang TV. anchor sa Visayas para sa karagdagang report nito sa mga binagyo.


Si Jasmin Romero ang pumalit sa kanya bilang anchor sa Rated Korina radio program, at kahapon ng umaga ay binasag na niya ang kanyang pananahimik via phone patch bago siya lumipad patungong Roxas, Capiz.


Aware pala si Korina sa mga isyung suspendido siya at ipinaliwanag niya ito sa sariling programa. Naririto ang transcript na ipinadala sa amin ng aming source tungkol sa naging usapan nila ni Jasmin.


“Hindi naman totoo ‘yan, matagal na kasing naka-schedule ang Rated K sa pag-iikot sa mga nasalanta ng iba’t ibang delubyo, so ito’y trabaho. “Alam mo’yan, dahil noong tayo’y nag-usap minsan ay papunta naman ako ng Ormoc noon. Gumagawa rin kasi ang Rated K ng special para dito sa mga nasalanta, so pinupuntahan ko ang Western Visayas.


“Kasi, marami na kaming footage, pumunta na kami sa Western Visayas, dumaan ako ng Bohol pagkatapos ng Yolanda,” kuwento ni Korina sa kanyang mga tagapakinig.


Tulad nina Vice Ganda, Angel Locsin at Kris Aquino ay hindi rin daw pinayagan ng ABS-CBN management si Korina na tumungo sa Tacloban City.


“Nakahanda na kaming lahat, kasama ang crew namin. Pinigilan naman kami ng kumpanya dahil delikado daw. So, na-divert kami sa Ormoc, nagdalawang araw ako doon.


“Papunta kami dapat ng Zamboanga, naiwanan kami ng eroplano.


“Ngayon naman, papalipad kami ng Capiz at Iloilo. And this was scheduled from a while ago, dahil kasama talaga ito sa aming ruta Capiz, Iloilo, ‘tapos Palawan.


“Titingnan namin kung makakadaan kami ng Mindoro para magbigay ng tolda. Kasi, ‘yun nga, kailangan natin ang tolda. Kasi may pagkain nga, kung wala ka naman tahanan, para ka naman ano parang walang security.


“So, tatapusin ko lang ito, babalik ako diyan,” aniya pa.


Ipinagdiinan ni Korina na huwag gawan ng isyu ang ilang araw niyang pagkawala sa radyo at TV Patrol dahil, “Inaayos ko lang itong for airing namin, ‘etong darating na Sunday.


“So, ayun, uulitin ko lang, matagal nang naiplano itong paglilibot na ito. Huwag lang sanang pilit na ikinokonekta sa iba pang bagay, ha?


” At least, nandiyan na ang status report at alam n’yo na kung nasaan ako, papunta na akong Capiz ngayon,” pagtatapos ni Korina.


Marami rin ang nakapansin sa nai-post na report sa website ng ABS-CBN tungkol sa update na ito pero pagkaraan ang ilang oras ay nawala.


As of press time, wala pa ring official statement ng ABS-CBN tungkol sa isyung ito.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Hindi naman totoo ‘yan – Korina Sanchez


No comments:

Post a Comment