Tuesday, November 19, 2013

Hilaga at Gitnang Luzon apektado ng cold front

NAKAAAPEKTO sa Hilaga at Gitnang Luzon ang umiiral na tail end of a cold front.


Sinabi ng PAGASA dahil dito, maaaring makaranas ng maulap na papawirin na mayroong mahina hanggang sa katamtamang pag–ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ang Cagayan Valley, Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga at mga probinsya ng Aurora at Quezon.


Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman ang mararanasan sa Ilocos region, Cordillera administrative region at sa nalalabing bahagi ng gitnang Luzon.


Ang Metro Manila ay maaaring makaranas ng bahagyang maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag–ulan na may pagkulog at pagkidlat, bukas, araw ng Huwebes.


Sa Biyernes naman, maaaring asahan ang bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may pulo-pulong pag–ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat habang sa Sabado ay magiging maulap ang kalangitan na may pag–ulan na may kasama rin na pagkulog at pagkidlat.


The post Hilaga at Gitnang Luzon apektado ng cold front appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Hilaga at Gitnang Luzon apektado ng cold front


No comments:

Post a Comment