Thursday, November 21, 2013

Heat inakbayan nina James at Jones

NAGBIGAY ng babala si basketball superstar LeBron James sa Orlando Magic na huwag masyadong itutok ang depensa sa kanya at bantayan si James Jones.


Subalit hindi nakinig ang Magic, resulta- pinaso sila ng two-time defending champions Heat, 92-120 kaninang umaga sa nagaganap na 2013-14 National Basketball Association, (NBA) regular season.1


Kumana si Jones ng 14 sa kanyang 17 points sa third canto upang ikalas ang Heat mula sa mahigpit na kapit sa kanila ng Magic sa unang dalawang period.


”My teammates rely on me,” wika ni Jones na bumira ng 5-of-7 sa three-point area. ”They know what I’m capable of doing.”


Nanguna sa opensa ng Heat si four-time MVP James na may sinumiteng 21 pts., pitong assists at anim na rebounds habang si starting center Chris Bosh ay nag-ambag ng 18 puntos at limang rebounds.


Bihirang ilagay sa starting unit si Jones subalit nabigyan siya ng pagkakataon sa laban nila sa Magic dahil wala pa rin ang star player nilang si Dwyane Wade na dalawang laro ng lumiban dahil sa natamong injury.


”That’s what happens when you double,” sigaw ni James sa mga Magic players.


Dahil sa panalo ng Heat napahaba nila ang kanilang winning-streak sa lima at ilista ang 9-3 win-loss slate.


”We have a lot of professionals in that locker room,” saad ni Fil-Am Heat coach Erik Spoelstra.


”But JJ probably could write the textbook on professionalism, keeping yourself ready, embracing a role and playing that role arguably as well as anybody in this league.”


Nagsanib ng 50 markers sina forward Arron Afflalo (30pts.) at guard Victor Oladipo (20pts.) subalit hindi ito sumapat para buhatin ang Magic sa panalo.


Sa ibang NBA resulta, pinupog ng Indiana Pacers at New York Knicks, 103-96 sa overtime game habang kinatay ng Los Angeles Clippers ang Minnesota Timberwolves, 102-98.


The post Heat inakbayan nina James at Jones appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Heat inakbayan nina James at Jones


No comments:

Post a Comment