Friday, November 15, 2013

HEALTH CARE PARA SA KATUTUBO


Nagpapatuloy ang pambansang pamahalaan na isulog ang paghahatid ng health care sa malalayong lalawigan, sa mga maralitang komunidad, at indigenous people (IP) o katutubo sa pamamgitan ng “Indigenous People – Maternal, Noenatal, and Child Health and Nutrition.” Nakararating ang basic health care sa mga komunidad ng IP sa Mindanao, at pangunahing inaasinta nito ang ang kalusugan ng mga buntis, mga bagong silang na sanggol, mga paslit, at yaong mga walang access sa health.



Ang programa para sa mga lalawigan ng Agusal del Sur, Zamboanga del Sur, North Cotabato, Bukidnon, at Compostela Valley, ay pinondohan ng European Union sa pamamagitan ng National Commission on Indigenous People (NCIP) hanggang 2016, at pagkatapos niyon, pananatilihin iyon ng mga lokal na pamahalaan, ng mga ahensiya ng pamahalaan, at non-government group. Nakahandang magtayo ng mga birthing clinic at barangay health center na may kompletong pasilidad sa mga munisipalidad sa limang lalawigan sa Mindanao upang makaiwas sa mataas na bilang ng namamatay na ina sa panganganak sa bahay. Maglulunsad din ng pagbabakuna sa mga bata.


Ang proyektong ito ay nakatadhana sa Joint Memorandum Circular No. 2013-01, ang “Guidelines on the Delivery of Basic Health Services for Indigenous Cultural Communities/ Indigenous People,” na inisyu noong Hunyo 3, 2013 ng Department of Health (DOH), ng Department of Interior and Local Government, at ng NCIP. Nakatuon ito sa mga IP na bumubuo ng 13% ng populasyon ng Pilipinas.


Bibigyan ng health care ang mga IP sa pamamagitan ng mga pagsisikap sa ilalim ng programang Kalusugang Pangkalahatan. Katuwang ng NCIP ang DOH sa “Kalusugang Pangkalahatan for Indigenous People” upang maghatid ng health care sa mga IP nang bumuti ang estado ng kanilang kalusugan.


Binabati natin ang mga lalawigan ng Agusan del Sur sa pangunguna ni Governor Adolph Edward G. Plaza, ang Zamboanga del Sur sa pamumuno ni Governor Antonio H. Cerilles, ang North Cotabato sa pangunguna ni Governor Emmylou T. Mendoza, ang Bukidnon sa pamumuno ni Governor Jose Maria R. Zubiri Jr., at ang Compostela Valley sa pangunguna ni Governor Arturo T. Uy, at iba pang opisyal, sa kanilang pagsisikap na paginhawahin ang pamumuhay ng ating mga kapatid sa mga maralita at katutubong komunidad sa Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



HEALTH CARE PARA SA KATUTUBO


No comments:

Post a Comment