Wednesday, November 13, 2013

Hacker ng gov’t websites arestado na

NAARESTO na ang hacker ng mga website ng gobyerno kamakailan.


Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, naaresto na ng National Bureau of Investigation si Rodel Plasabas, alyas “Reaper”, “anonymousbutuan” at “Anon Reaper. ”


Ito ay matapos ang isinagawang surveillance at pagsisilbi ng search warrant ng NBI dahil sa paglabag sa Republic Act 8792 o E-Commerce Law.


Nabatid na naka-on line pa ang suspek nang maisilbi ang search warrant.


Batay sa paunang pagsusuri sa kanyang mga chat sa internet, mayroong indikasyon tungkol sa pangha-hack ng mga website.


Ang suspek ay nakatakdang isalang sa inquest proceeding ngayong araw sa Butuan City Prosecutors’ Office.


The post Hacker ng gov’t websites arestado na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Hacker ng gov’t websites arestado na


No comments:

Post a Comment