Wednesday, November 20, 2013

Guro patay, 3 iba pa kritikal sa salpukan ng 2 motor

PATAY ang isang guro habang kritikal naman ang tatlong iba pa matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Infanta, Quezon.


Sa ipinadalang ulat ng Quezon Police Provincial Office, nabatid na binabaybay ng motorsiklong dala ni Glen Ford Enyong, 28, isang guro, ang kahabaan ng Barangay Comon Dinahican sakay ang kanyang kapatid na si Grace, 24, Supervisor ng Malachi Resort nang masalubong nila ang isa pang motorsiklong minamaneho naman ng 16-anyos na estudyanteng si Michael Andrew Macasinag sakay ang kaibigang si Jecil Pacao, 17.


Hindi naiwasan ng dalawang driver ang isa’t isa kung kaya nagkaroon ng head-on collission na naging sanhi upang magtamo ang mga ito maging ang kanilang mga back rider ng seryosong pinsala sa katawan.


Maging ang dalawang motorsiklo ay halos nagkayupi-yupi rin dahil sa impact.


Agad na itinakbo sa ospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival ang gurong si Glen habang patuloy naman na ginagamot ang tatlong iba pa na pawang kritikal ngayon sa ospital.


The post Guro patay, 3 iba pa kritikal sa salpukan ng 2 motor appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Guro patay, 3 iba pa kritikal sa salpukan ng 2 motor


No comments:

Post a Comment