Tuesday, November 5, 2013

Gunpowder Plot

Umaga ng Nobyembre 5, 1605 nang madiskubre ni King James I ng England ang planong pasabugin ang gusali ng English Parliament ilang oras bago siya dumalo sa pangunahing sesyon. Tinawag kalaunan na Gunpowder Plot, ito ang bigong pagtatangka sa buhay ng Hari.



Sa gabi bago iyon, namataan ni Sir Thomas Knyvet ang pagpasok ni Guy Fawkes sa cellar sa ilalim ng Parliament building. Nadiskubre ang may 20 bariles ng gunpowder na ibinaon sa mga uling at nadakip si Fawkes.


Nang pahirapan, inamin ni Fawkes na sangkot siya sa planong English Catholic na palitan ang gobyernong Protestante ng England ng Katolikong awtoridad.


Binitay si Fawkes noong Enero 31, 1606. – Monch Mikko E. Misagal/MB Research


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Gunpowder Plot


No comments:

Post a Comment