Wednesday, November 13, 2013

Gun ban period, tapos na

Pormal nang nagtapos kahapon ang implementasyon ng gun ban ng Commission on Elections (Comelec).


Ang gun ban, na tumagal ng 45-araw simula noong Setyembre 28, ay ipinatupad ng Comelec bunsod nang katatapos na barangay elections noong Oktubre 28.



Ayon kay Comelec Commissioner Elias Yusoph, chairman ng gun ban committee, malaki ang naitulong ng ipinatupad na gun ban sa pagbaba ng crime rate sa bansa, lalo na’t panahon ng eleksiyon.


Batay aniya sa ulat ng PNP, bumaba ng halos 50 porsiyento ang naitalang krimen sa bansa bunsod sa implementasyon ng gun ban. – Mary Ann Santiago


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Gun ban period, tapos na


No comments:

Post a Comment