Monday, November 25, 2013

Grocery store sa Caloocan pinasok ng gapos gang

NAPASOK ng tatlong hindi pa kilalang miyembro ng gapos gang ang grocery store sa Caloocan City kaninang madaling-araw, Nobyembre 25.


Sa pahayag ng helper stay-in na sina Rovin John Ofiate at Jayson Esquivel, alas-2 ng madaling-araw, nagising na lang sila dahil sa mga nakatutok na mga sumpak ng tatlong suspek.


Iginapos ang mga helper at binusalan bago pinagkukuha ang mga paninda na aabot sa P150,000 at cash na P30,000.


Bago nagsitakas ay kinuha pa ng mga suspek ang hard disk ng computer kung saan nakakabit ang mga CCTV.


Pagsikat ng araw sa pagpasok ng cashier na si Amy dela Cruz ay laking gulat nang makitang nakagapos pa ang mga helper na naging dahilan upang kalagan at magpunta sa presinto upang


ipaalam ang mga pangyayari.


Inaalam na ng mga pulis kung sino ang mga suspek.


The post Grocery store sa Caloocan pinasok ng gapos gang appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Grocery store sa Caloocan pinasok ng gapos gang


No comments:

Post a Comment