Saturday, November 23, 2013

GMA-7 Artists, kinabog ng ‘kalokalike’ ng Dos

SA kick-off party ng USTV noong Huwebes ng gabi sa University of Santo Tomas grounds, mas pinalakpakan daw ng todo ang ABS-CBN artists considering na mga look-alike lang sila kumpara sa artists ng GMA-7.


NICKI Minaj kalokalike Ang mga binabanggit ay ang ‘kalokalike’ na nanalo o sumali sa Show time tulad nina Nicki Minaj, Apl.de.Ap, Mr. Bean at Coco Martin plus The Voice of the Philippines winner na si Mitoy at finalists na sina Klarisse at Janice at siyempre ang Mutya ng Masa na si Doris Bigornia (original).



Ang karamihan naman daw sa GMA-7 artists ay hindi kilala, sabi mismo ng mga estudyanteng nakatsikahan namin na

nagtiyagang nanood.


“Ate, isa lang talaga ang pinalakpakan ng husto, si Mikael Daez na naging host for GMA, the rest hindi namin knows. Ay, ‘yung kapatid pala ni Daniel Padilla, si RJ ba ‘yun? Sumayaw at kumanta at hindi masyadong pinalakpakan, pero noong

nagpakilala siya bilang kapatid ni Daniel Padilla ay saka lang po siya pinalakpakan ng todo,” kuwento ng mga bagets.


Dagdag naman ng isa pang estudyante, “Ay, in fairness, ate, grabe ang palakpakan sa Juan Direction, Gee Canlas, nag-host siya at si Jasmine Curtis na taga-TV5.” So, ibig sabihin mas kilala ng mga estudyante ang TV5 artists like Gee, Juan Direction at Jasmin?


Anyway, mapapanood na ngayong gabi sa ganap na 11-12 ang spinnation program ni Jasmin sa TV5 na first social media music show. – Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



GMA-7 Artists, kinabog ng ‘kalokalike’ ng Dos


No comments:

Post a Comment