Friday, November 22, 2013

Give na give sa halikan!

HANGA si Solenn Heussaff kay Cesar Montano dahil tunay na gentleman kapag sila’y may maseselang eksena sa Akin Pa Rin Ang Bukas. Ito’y ang eksenang kailangan nilang may halikan.

Magkarelasyon ang role nilang dalawa sa soap.


Sa kuwento ni Solenn, very supportive si Cesar sa mga eksenang ganito. Inaalalayan siya kahit walang rehearsal ang maseselang eksenang ganito. ‘Di na kailangang ma-take two ang kanilang halikan.


Bukod pa rito, sa mga madadramang eksena nila ni Cesar ay ‘di na kailangan pang ma-take 2 ni Direk Laurice Guillen. Kasi, bago pa ang eksena ay nag-uusap na sila ni Cesar.


Kahit nagiging close sila ni Cesar habang nasa set ng Akin Pa Rin Ang Bukas, walang anomang in- triga sa kanila ng aktor. Kasi, may karelasyon ngayon si Solenn na talaga namang ‘love of her life’ ngayon.


Isang Argentinian financial analyst ang kanyang boyfriend for three years na base sa Makati.


Super supportive sa kanyang showbiz life si lalaki. Dahil sobrang mahal ni Solenn ang boyfriend, binibigyan niya ang kanyang sarili ng two to three years na lang para maging single.

Gusto niyang magpakasal sa kanyang boyfriend bago siya mag-30 years old.


Sa role ni Solenn sa Akin Pa Rin Ang Bukas, tutulungan niya si Lovi Poe sa pagkakasakit nito.


Bilang nurse ay tungkulin niyang tulungan ang isang may sakit. Pero sa mga susunod na eksena ay unti-unti siyang magseselos kay Lovi dahil sobrang protective si Cesar dito. Maghihinala na si Solenn sa dalawa ngayon.


JUAN DIRECTION GUESTS ON TROPA MO KO UNLI


NAGBABALIK si Ogie Alcasid sa Tropa Mo Ko Unli sa kwelang segment na The Laysa Mae Toyo Show.

Special guest ni Laysa Mae ang popular at naggagwapuhang YouTube sensation, ang grupong Juan Direction.


Susubukan naman ang galing ni Empoy bilang si Karate Girl na kalabanin ang isang ninja villain sa nakahihilong segment na Floor Play. Nagpadala din ang mga katropa ng mga joke na gagawin ng buong Tropa Mo Ko Unli cast sa segment na Corny Maybe. At may panibagong game segment na huhulaan ng mga katropa ang susunod na mangyayari sa Watch Next?


Siyempre, hindi mawawala ang paboritong quiz show ng bayan, ang Battle of the Brainless. Lahat ng ito ay nagaganap every Saturday, 7:30PM sa Tropa Mo Ko Unli.


NAHIHIRAPAN SA SITWASYON


NAGHAHANAP na rin ng ibang bahay si Lucio (Sid Lucero) at matutuluyan ngunit hindi niya matiis tingnan ang mga parol na lalong mas nagpapalungkot sa kanya.


Makikita naman ng pamilya ni Eloisa si Richelle kausap sina Margot. Pinag-uusapan ng dalawa sina Lucio at Eloisa. Agad na sasabihin nila ito kay Eloisa. Pero bago pa ‘yun mangyari ay magpapang-abot na sina Eloisa at Margot.


Hindi naman tumitigil si Bobby sa pagtatanggol kay Eloisa, sa tuwing nakikita niya si Margot ay alam niyang may gagawin itong masama kay Eloisa.


Ganoon din naman si Lucio. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagkumbinsi at pagsuyo kay Eloisa. Hanggang sa isang beses ay magpumilit na ito kay Eloisa at mayayakap niya ito. At sa tagpong ito ay darating si Bobby, kakaiba. Alam niyang inaagaw sa kanya si Eloisa kaya susugod ito itong si Bobby, handang ipagtanggol ang asawa.


The post Give na give sa halikan! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Give na give sa halikan!


No comments:

Post a Comment