Wednesday, November 13, 2013

Ginang, 2 missing sa Quezon City fire

PATAY ang isang ginang habang dalawa pa ang pinaghahanap makaraang sumiklab ang sunog sa isang residential-commercial building sa Quezon City kagabi.


Naganap ang sunog sa Mindanao Avenue, Barangay Tandang Sora, alas-11:40 kagabi.


Kinilala lamang ang namatay na nasa edad 45, habang pinaghahanap pa ang dalawa katao.


Sinasabing nahirapan ang mga bombero na apulahin ang sunog dahil pawang gawa sa light materials ang iba pang bahay na nadamay sa insidente.


Idineklarang fireout ang lugar alas-12:43 na ng madaling-araw.


Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng sunog at magkano ang pinsala sa insidente.


The post Ginang, 2 missing sa Quezon City fire appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ginang, 2 missing sa Quezon City fire


No comments:

Post a Comment