Tuesday, November 12, 2013

Gag order sa DAP, binigo

Ni Rey G. Panaligan


Hindi nagpalabas kahapon ang Supreme Court (SC) ng gag order na pipigil kay Pangulong Benigno S. Aquino III at sa iba pang opisyal ng gobyerno na pag-usapan sa publiko ang mga usaping may kaugnayan sa umano’y paglabag sa batas ng Disbursement Acceleration Program (DAP).



Sa press briefing pagkatapos ng full court session ng Korte Suprema, sinabi ni Spokesman Theodore Te na binigo ang petisyon para sa gag order sa DAP dahil sa kawalan ng merito.


Ayon sa mga source, halos lahat ng mahistradong dumalo sa full court session ay nagpahayag ng pangamba na makaaapekto ang gag order sa freedom of expression, free speech at freedom of the press.


Tinanggihan din ng SC ang mosyon ni dating Iloilo Rep. Augusto Syjuco Jr., isa sa mga petitioner sa siyam na kaso laban sa DAP, na i-subpoena si Budget Secretary Florencio Abad at iprisinta ng kalihim sa kataas-taasang hukuman ang lahat ng dokumentong may kaugnayan sa DAP.


Hangad ni Syjuco ang mga dokumento na “[would] show in specific details the source of each items of the so-called DAP savings and where to each of these savings were appropriated and spent from the start of 2011, 2012 and up to the present of year 2013.”


Una nang ipinagpaliban ng kataas-taasang hukuman ang oral arguments sa siyam na kaso laban sa DAP; mula sa Nobyembre 11 ay inilipat sa Nobyembre 19.


Sa nasabing mga argumento, makapagdedesisyon ang korte sa usapin sa hiling na temporary restraining order (TRO) at sa mga merito ng mga kaso.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Gag order sa DAP, binigo


No comments:

Post a Comment