Tuesday, November 26, 2013

Fund-raising fun run, isinagawa ni Mayor Oreta

Unti-unti nang nakababangon ang mga lugar sa Kabisayaan na sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’, ngunit hindi pa rin tumitigil ang ibang mga lungsod sa Metro Manila sa paggawa ng paraan para makatulong.


Kahapon ng umaga, pinangunahan ni Malabon City Mayor LenLen Oreta ang fund-raising fun run para sa mga biktima ng nasabing bagyo, partikular na sa Bogo City, Cebu.



Ayon kay Mayor Oreta, ang Bogo City ay adopted city ng Malabon, kung saan ay nangako ang punong-alkalde ng suporta para sa mga residente doon na binagyo nitong nakalipas na Nobyembre 8.


Layunin ng fun run na makalikom ng relief items na ipamamahagi sa nasabing lungsod.


Nagsimula ang aktibidad bandang alas-5:00 ng umaga na dinaluhan ng city officials, barangay officials, Department heads at ibang non government organization (NGO’s).


Binaybay ng mga kalahok ang Leano, C-4 Road at Rizal Avenue hanggang sa makabalik sa City Hall.


Umabot ng mahigit sa 200 ang nakiisa sa fun run, kung saan ang bawat kasapi ay nag-donate ng tatlong canned goods bilang registration fee.


Ang mga nalikom na delata ay agad na ipadadala sa Bogo City sa pamamagitan ng pagsakay sa C-130 ng Philippine Air Force. – Orly Barcala.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Fund-raising fun run, isinagawa ni Mayor Oreta


No comments:

Post a Comment