Monday, November 18, 2013

Fuentes, makikipagbakbakan sa Puerto Rico

Nakatakdang umalis si OPBF flyweight champion Rocky Fuentes upang tapatan si WBO at interim WBC Latino flyweight titlist McWilliams Arroyo sa 12-rounds na sagupaan sa Humacao Arena, Humacao, Puerto Rico.


Sa ulat ng boxrec.com na nakabase sa Great Britain, hindi pa malinaw kung eliminator bout ang sagupaan ng dalawang boksingero na kapwa mataas ang rankings sa lahat ng samahan sa professional boxing.



Malaki ang lamang ni Arroyo na manalo sa hometown decision dahil lahat ng panalo niya ay naganap sa Puerto Rico at minsan lamang dumayo pero natalo pa sa Hapones na si Takashi Ikada sa New York, United States noong 2010 kaya taglay ang kartadang 14-1-0 win-loss-draw na may 12 panalo sa knockouts.


Dating journeyman si Fuentes pero mula nang hawakan ng ALA Promotions noong 2008 ay nagtala ng 15 sunod na panalo at may rekord ngayon na 35-6-2 win-loss-draw na may 20 pagwawagi sa knockouts.


Nakatala si Fuentes bilang WBC No. 3, WBA No. 3, IBF No. 5 at WBO No. 6 sa flyweight division samantalang si Arroyo ay nakalistang IBF No. 6, WBA No. 11 at WBO No. 11 sa nasabi ring dibisyon. (Gilbert Espena)


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Fuentes, makikipagbakbakan sa Puerto Rico


No comments:

Post a Comment