Tuesday, November 26, 2013

Freeze order vs deposits ni Pacman idedepensa ng BIR

IDEDEPENSA ng mga abugado ng Bureau of Internal Revenue kung bakit hindi dapat ipawalang bisa ng Court of Tax Appeals ang ipinalabas na warrant of distraint and levy ng kawanihan sa bank accounts ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao.


Ayon kay CTA First Division Clerk of Court Margarettte Guzman, nakatakdang magprisinta ng kanilang counter affidavit ang kampo ng BIR sa December 5.


Nang dahil sa warrant of distraint and levy o WDL hindi maaaring magalaw ang pera ni Pacquiao sa mga bangko na sakop ng nasabing direktiba.


Paliwanag ni Atty. Claro Ortiz, abugado ng BIR, kung tutuusin ay mas mabigat ang epekto ng WDL kaysa sa freeze order na ipinapalabas ng korte dahil ang pakay ng WDL ay kumpiskahin ang deposito sa bank account ni Pacquiao para mapunuan ang tax liability nito sa gobyerno.


Ayon kay CTA First Division Clerk of Court Margarette Guzman, kokontrahin ng BIR sa pagdinig sa December 5 ang documentary evidence na isinumite ng kampo ni Pacquiao.


Tumanggi naman si Guzman na ilahad kung ano ang mga ebidensya na isinumite ng kampo ni Pacman nuong nakalipas na buwan dahil iyon daw ay pag-aaralan pa ng mga mahistrado.


Ang kaso sa CTA ay nag-ugat makaraang maghain ng petition for review si Pacman sa nabanggit na hukuman kung saan hiniling nito na kanselahin ng korte ang assessment ng BIR na sila umanong mag-asawa ay hindi nakapagbayad ng 2.2 bilyong piso na halaga ng buwis para sa taong 2008 at 2009.


Nanindigan naman si Pacman na nagbayad siya ng tamang buwis mula sa kanyang mga laban kay Ricky Hatton, Oscar de la Hoya, David Diaz at Miguel Cotto sa Estados Unidos, at katunayan, may inisyu pang dokumento ang kanyang promoter na Top Rank na isinumite sa BIR para patunayan na naikaltas ng US Internal Revenue Service ang buwis mula sa kinita ni Pacman.


The post Freeze order vs deposits ni Pacman idedepensa ng BIR appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Freeze order vs deposits ni Pacman idedepensa ng BIR


No comments:

Post a Comment