Wednesday, November 13, 2013

Freestyle, binuo uli

Ni Remy Umerez


ANG Freestyle ay isa sa mga sumikat na grupo noong dekada 90. Ang vocal tandem nina Top Suzara at Jinky Vidal ay lumikha ng ingay with their hits Before I Let You Go, Bakit Ngayon Ka Lang at iba pa. They went solo nang ma-disband ang grupo.


Hinikayat sila ng Viva Records na kahit man lang sa plaka ay marinig uli ang tinig ng dalawa at ang resulta ay ang newly-released album na Reunited.



Kahit maraming taon na ang lumipas ay taglay pa rin nina Top at Jinky ang galing sa pagkatha at pagkanta ng kanilang likha.


A must sa album ang pagsasaliw ng dalawa sa mga awiting Right Here With You, Hindi Na Ba P’wede at Don’t Wanna Lose You na tiyak na aayon sa panlasa ng makabagong henerasyon na ngayon lang kung saka-sakali maririnig ang mga tinig ng dalawang music greats.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Freestyle, binuo uli


No comments:

Post a Comment