Wednesday, November 13, 2013

Foreign forces aayuda sa relief ops

BUKOD sa US Forces na nasa Tacloban, Leyte, darating pa ang karagdagang puwersa mula sa iba’t ibang bansa para tumulong sa rescue and relief operations sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda.


Ayon kay Defense Sec. Voltaire Gazmin, kabilang sa nagbigay na ng alok ang defense minister ng Malaysia at ng Israel na kinikilalang mga elite force sa mundo.


Ayon kay Gazmin, marami pa ang nakatala at masusing pag-aaralan kung kailangan pa dahil buhos na ang manpower sa ground.


Inihayag ni Gazmin na sa ngayon, nakapagtayo na sila ng tatlong command post o resource centers sa Tacloban, Guiuan sa Samar at Roxas City sa Western Visayas.


Pangunahin daw sa unang inasikaso at naging balakid sa relief operations ang naputol na linya ng komunikasyon kaya hindi makaugnayan ang mga kinauukulang ahensya.


Nakuwento naman ni Gazmin na maging sila ay nakaranas din ng pananalasa ng bagyong Yolanda sa Tacloban pero mabuti na lamang dahil mataas ang kinalalagyan ng kanilang hotel kaya malakas na hangin lang ang naranasan at walang storm surge na umabot sa kanila.


Nakapagreport na si Gazmin sa Pangulong Aquino matapos ang anim na araw na pamamahagi ng tulong sa Tacloban, Leyte.


The post Foreign forces aayuda sa relief ops appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Foreign forces aayuda sa relief ops


No comments:

Post a Comment