Thursday, November 21, 2013

Foreign aid di pa natatanggap – DFA

BINIGYANG linaw ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na karamihan sa tulong na nakatala sa kanilang foreign aid transparency report ay pledges pa lamang at hindi pa natatanggap ng Pilipinas.


Ang palilinaw ni DFA Spokesman Asec. Raul Hernandez ay kasunod ng mga katanungan ukol sa paglalaan ng pondo sa logistics at iba pang dapat paggastusan kaugnay ng pagtulong sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.


Batay sa hawak nilang datos, nasa 330 million dollars o P14 billion ang kabuuang naipangako ng iba’t ibang bansa.


Ang cash naman ay 101 million dollars o P4.4 billion, habang ang non-cash donations ay 228 million dollars o P9.9 billion.


The post Foreign aid di pa natatanggap – DFA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Foreign aid di pa natatanggap – DFA


No comments:

Post a Comment