Wednesday, November 13, 2013

Food caravans, target ng hijacking

Ni Fer Taboy


Tiniyak kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang pagbibigay ng seguridad sa mga magdadala ng relief goods sa mga lugar na sinalanta ng super typhoon “Yolanda.”


Ito ay matapos ang tangkang pagharang kamakalawa ng umaga ng mga pinaghihinalaang New People’s Army (NPA) sa convoy ng militar na may dalang food packs at iba pang relief goods para sa mga biktima ng kalamidad sa Matnog, Sorsogon.



Ayon kay Director Lina Sarmiento, PNP Director for Police Community Relations at concurrent Task Coordinator of the Sub-Committee on Disaster Management of the PNP Critical Incident Management Committee, naglaan na sila ng mga tauhan para magbigay seguridad sa mga food caravan at maiwasan ang mga kahalintulad na insidente.


Kasabay nito, hinikayat ni Sarmiento ang mga grupo na nagnanais magbigay ng kanilang tulong na makipag ugnayan na muna sa awtoridad bago magtungo sa mga typhoon stricken area at huwag pupunta sa mga lugar na ito ng walang paabiso.


Mas maganda aniya kung sasabay ang mga ito relief convoy ng DSWD,PNP,at LGUs upang matiyak na maayos na makararating ang kanilang tulong sa mga residente.


Nanawagan din ang mga disaster response agency sa mga biktima ng kalamidad na huwag harangin ang mga food caravan dahil may sapat na supply ng relief items na paparating sa mga apektadong lugar.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Food caravans, target ng hijacking


No comments:

Post a Comment