Sunday, November 3, 2013

Ferrer, nakaisa kay Nadal; titulo, idedepensa kontra Djokovic

PARIS (Reuters) – Ipinakita ng Spaniard na si David Ferrer ang isa sa kanyang pinakamagandang performance upang malusutan ang world number one at kababayang si Rafael Nadal, 6-4, 7-5, sa Paris Masters semifinal kamakalawa at

mapanatiling buhay ang kanyang pag-asang maidepensa ang titulo.



Makakaharap ng third seed na si Ferrer, na napanalunan ang kanyang unang titulo sa Masters Series sa Paris noong nakaraang taon, si Novak Djokovic sa final ng indoor event ngayong araw matapos na talunin ng Serb si Roger Federer, 4-6, 6-3, 6-2, sa laban ng mga dating world number one.


Dinomina ni Ferrer, na pumasok sa laban na may 4-20, panalo-talo, na rekord laban kay Nadal ngunit naipanalo ang kanilang huling pagtatapat sa hard court noong 2011 Australian Open, ang laban mula unang puntos hanggan sa huli.


Naging agresibo ang kanyang pag-uumpisa at pinuwersa si Nadal na dumepensa at na-break ang serve ng katunggali sa fourth game.


Nagtangka si Nadal na makabalik nang maitabla niya ang bilang sa 5-5, ngunit agad na nakakuha ng break si Ferrer at isinara ang laban sa pamamagitan ng isang malakas na groundstroke.


“That might have been my best performance of the season,” ani Ferrer sa Spanish television broadcaster na Teledeporte.


“I played a very complete match and I knew that to beat Rafa I had to give my best. Maybe he started a bit nervously with more errors than usual, but the second set was really tough. It was a big blow when I couldn’t serve out the match at 5-4. You can’t afford to let opportunities slip against Rafa. In the key moments you always have more self-doubt, but I just tried to put that game behind me and refocus,” dagdag niya.


Malaking pagkakaiba rin ang nagawa ng malakas na puwersa nang talunin ng 2009 champion na si Djokovic sa Federer sa kabila ng maagang pagkuha ng kontrol ng Swiss.


Sa likod ng malakas na cheering ng mga manonood para sa 17-time grand slam champion, nagawa ni Federer na madiskaril sandal ang diskarte ni Djokovic sa pamamagitan ng pag-atake sa net at matutulis na groundstroke.


Ngunit unti-unting napag-iwanan si Federer nang magkamit ng sunud-sunod na error at sumablay sa kanyang mga serve. Na-break ni Djokovic ang serve ni Federer sa ikalawang pagkakataon upang kunin ang 4-2 na abante at nadala ang momentum hanggang sa deciding set.


Muling magtatapat ang dalawang manlalaro sa susunod na linggo sa ATP World Tour Finals sa London kung saan sila ay nabunot upang mapasama sa parehong round-robin group.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Ferrer, nakaisa kay Nadal; titulo, idedepensa kontra Djokovic


No comments:

Post a Comment