Friday, November 8, 2013

Everyone should fast once a week —Naomi Campbell

NANINIWALA si Naomi Campbell na ang lahat ay dapat mag-’’fast at least once a week.’’


Iginiit ng 43-anyos na modelo na dapat palagiang ipahinga ng lahat ang katawan dahil naniniwala siya na makatutulong ito para magkaroon ng magandang buhay,



Paliwanag niya: “I think everyone should fast at least once a week. We eat so many different things; I think it’s good to clear your intestine. I think it can prolong your life.’’


Nagki-cleansing si Naomi bago ang sumabak sa catwalk shows at kamakailan ay nagpatupad ng istriktong diet ng liquid fruit at mga gulay bago siya rumampa sa runway sa Paris Haute Couture Fashion Week.


Gayuman, inamin niyang hindi siya ang mismong gumagawa ng kanyang mga inumin.


Paliwanag ng catwalk beauty: ‘’No, I’m not going to do that. There are so many places that deliver now, though.’’


Si Naomi – na may inang breast cancer survivor, si Valerie Morris — ay umiinom at kumakain ng katamtaman at sinabi na napag-isip siya na maging maingat sa kanyang mga kinakain nang masaksihan niya ang kanyang mahal sa buhay na nagdurusa sa cancer.


Sinabi niya sa Heat magazine: ‘’I try to do everything in moderation. I don’t drink alcohol and I stopped eating pork and chicken. When people in your family have had cancer you look more closely at what you put in your body.’’ – Bang


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Everyone should fast once a week —Naomi Campbell


No comments:

Post a Comment