Monday, November 18, 2013

Epektibong antibiotic unti-unting nababawasan

INIHAYAG ng World Health Organization (WHO) na unti-unti nang nababawasan ang bilang ng mga epektibong antibiotic.


Gamit ang Twitter account na @WHO, ipinaliwanag ng WHO na ilan sa mga dahilan nang pagkabawas ng pagiging epektibo ng antibiotic ay ang maling paggamit ng mga pasyente at ang pagbabago ng mga bacteria upang protektahan ang kanilang mga sarili laban sa antibiotic.


“The number of effective #antibiotics is decreasing as bacteria change to protect themselves against an antibiotic,” anang WHO, gamit ang Twitter account na @WHO.


“Taking an #antibiotic unnecessarily decreases its effectiveness against bacterial infections so it might not work when really needed,” tweet pa nito.


Kaugnay nito, pinayuhan pa ng WHO ang publiko na gumamit lamang ng antibiotic kung inireseta ng doktor para sa impeksiyon na sanhi ng bacteria.


Hindi rin aniya dapat na gumamit ng antibiotic para sa mga sakit na sanhi ng virus tulad ng sipon at influenza dahil hindi naman eepekto ang mga ito.


“#Antibiotics: medicines used to treat infections caused by bacteria; they do NOT work for illnesses caused by viruses,” dagdag pa ng WHO.


“Take #antibiotics only when prescribed by a doctor for infections caused by bacteria.”


Kung pinayuhan naman ng doktor na mag-antibiotic ay dapat na kumpletuhin ito upang matiyak na mapapatay ang lahat ng bacteria.


Ang antibiotic ay medisina na ginagamit sa paglunas sa impeksiyon na sanhi ng bacteria tulad ng tuberculosis at pneumonia.


The post Epektibong antibiotic unti-unting nababawasan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Epektibong antibiotic unti-unting nababawasan


No comments:

Post a Comment