Tuesday, November 12, 2013

Embahada sa Malaysia, umayuda

Nagsagawa ng on-the-spot fund drive ang mga opisyal at kawani ng Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur, Malaysia kasama ang Filipino community at mga kaibigang Malaysian bilang pagpapamalas ng bayanihan para makatulong sa mga naapektuhan ng bagyong ‘Yolanda.’



Sa idinaos na ikatlong Philippines-Malaysia Labor Exchange Conference sa Sunway Resort Hotel and Spa sa Selangor nitong Nobyembre 10, naglunsad ang 200 participant mula sa Philippine Association of Manpower Agencies for Malaysia Affiliates (PAMANA) at Philippine Overseas Labor Office (POLO)-accredited Malaysian agencies ng “pass-the-hat” upang makalikom ng pondo para sa mga binagyo, at ang naipon ay ibinigay bilang donasyon sa pamamagitan ni Ambassador J. Eduardo Malaya.


Sa pass-the-hat noong Lunes, nakalikom ng 3,000 Malaysian ringgit (US$1000) na ipadadala sa Philippine National Red Cross (PNRC). – Bella Gamotea


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Embahada sa Malaysia, umayuda


No comments:

Post a Comment