Tuesday, November 12, 2013

Duterte sa looters: Shoot them!

Ni Alexander D. Lopez


Iisa ang payo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa convoy ng relief goods na ipinadala niya sa mga lugar na sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’ sa Tacloban City kung sakaling puputaktihin ang mga ito ng mga looter: Shoot them!


Ito ang pahayag ni Duterte bago siya magtungo sa Tacloban City, na namahagi roon ng P8 milyong cash donation ang lokal na pamahalaan ng Davao City.



Iginiit ng alkalde na mahalagang makarating sa Tacloban City ang 55-kataong rescue at relief team mula sa Davao City upang makatulong sa paghahanap sa mga survivor.


Aniya, hindi dapat maantala ng looting ang pagdating ng relief items upang agad na makarating ang tulong sa mga nasalanta.


Nilinaw naman ni Duterte na kung babarilin ang isang looter, dapat ay sa paa lang.


“Sabi ko sa paa lang,” giit ni Duterte. “They can have prosthetics after, anyway.”


Aniya, may responsibilidad ang bawat mamamayan ng Davao City na tulungan ang sino mang naapektuhan ng kalamidad.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Duterte sa looters: Shoot them!


No comments:

Post a Comment