Friday, November 15, 2013

Dugong alay sa mga binagyo

Nagpakuha ng dugo ang may 225 pulis mula sa Northern Police District (NPD), Caloocan-Malabon-Navotas at Valenzuela Police Station, para ipaglaloob sa mga sugatang biktima bagyong “Yolanda” sa Tacloban City.



Ayon kay P/ Supt. Carlito Dimalanta, Public Information Officer (P10) ng NPD, ang blood letting sa pulisya ay alinsunod sa direktiba ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director General Marcelo Garbo Jr., na inoobliga lahat ng pulis sa Metro Manila na mag-donate ng dugo para sa mga kababayan sa Kabisayaan na sinalanta ng bagyo.


“Hindi man kami makapagdonate ng cash at relief goods sa pamamagitan ng pagdo-donate ng dugo ay makatulong ang NPD sa mga typhoon victims,” ani Dimalanta. – Orly L. Barcala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Dugong alay sa mga binagyo


No comments:

Post a Comment