Tuesday, November 19, 2013

DoLE, may ‘Libreng Tawag’ station sa Tacloban

Nagtayo ang Department of Labor and Employment (DoLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng “Libreng Tawag Station” para sa mga overseas Filipino worker (OFW) at kanilang pamilya sa Tacloban na matinding napinsala ng bagyong ‘Yolanda’.



Inatasan ni DoLE Secretary Rosalinda Dimapilis-Baldoz ang OWWA na magtayo ng pasilidad ng komunikasyon sa Tacloban na magbibigay ng libreng tawag sa mga OFW at sa kanilang pamilya sa lungsod at mga karatig-lugar para makausap ang kanilang mahal sa buhay sa bansa at sa abroad.


Agad nagpadala si OWWA Administrator Carmelita S. Dimzon ng lupon galing sa Maynila upang maitatag ang free call center sa OWWA Office sa Tacloban.


Bukas mula Lunes hanggang Linggo, 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon, ang “Libreng Tawag Station” na 0905-4625678 at 0915-2940238 sa suporta ng Globe Telecom. Naglagay pa ng isang free call center ang DoLE-OWWA

sa Ormoc gayundin sa Iloilo City sa pamamagitan ng 0915-3911133.


Pinaigting din ng OWWA ang 24/7 Operations Center sa OWWA Center Bldg. sa Pasay City na tumatanggap ng mga OFW at kanilang pamilya, 24-oras sa bawat araw.


Nagtayo rin ng “OWWA Ugnayan Center” na kukuha sa mga kahilingan para sa ayuda sa paghahanap ng kanilang mahal sa buhay sa mga apektadong lugar sa Leyte, Samar, Iloilo, Palawan at iba pang mga bayan sa Regions 4-B, 6, 7, 8.


Maaaring makipag-ugnayan sa 24/7 Operations Center at “Ugnayan Center” sa 833-6992, 551-6651 at 551-1560; mag-text sa 0917-898-6992 o magemail sa opcenter@owwa.gov.ph. – Bella Gamotea


.. Continue: Balita.net.ph (source)



DoLE, may ‘Libreng Tawag’ station sa Tacloban


No comments:

Post a Comment