Tuesday, November 12, 2013

DoH, tutol sa mass burial

Tutol ang Department of Health (DoH) na magsagawa ng mass burial para sa mga biktima ng super typhoon ‘Yolanda’ hanggang hindi pa nakikilala ang mga ito.


Ipinaliwanag ni Health Secretary Enrique Ona na walang dapat ipangamba hinggil sa posibilidad na magkaroon ng pagkalat ng impeksiyon dahil ang mga bangkay ay hindi naman umano infectious kaya walang pangangailangan na ilibing kaagad ang mga ito.



“Walang health risk dahil cadaver iyon. Kapag namatay naman hindi na sila infected,” paliwanag ni Ona. “When you die, the bacteria also die with you.”


Iminungkahi pa ni Ona na ilagay muna sa isang lugar ang mga bangkay at payagan ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) na kilalanin ang mga bangkay bago tuluyang ilibing ang mga ito.


“We were discussing with the local executives and we were suggesting that there should be an area where the cadavers should be placed pending the burial. By today, they could have already identified an area,” ani Ona.


Matatandaan na tinatayang mahigit sa 10,000 katao ang pinangangambahang namatay sa Leyte pa lamang nang manalasa ang super bagyong ‘Yolanda’, ang pinakamalakas umanong bagyo na tumama sa buong mundo ngayong taon.


Ayon naman kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, director ng National Epidemiology Center (NEC), dapat na mabigyan ng pagkakataon ang mga pamilya na makapagluksa muna sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.


Dapat din aniyang makapaghanda muna ng mass burial site na may tamang sukat bago isagawa ito. – Mary Ann Santiago


.. Continue: Balita.net.ph (source)



DoH, tutol sa mass burial


No comments:

Post a Comment