Sunday, November 10, 2013

Dengue alert ibinabala sa South Cotabato

IBINABALA ngayon ang ika-tatlo sa pinakamataas na kaso ng dengue sa probinsya ng South Cotabato sa buong Rehiyon 12.


Ang dengue alert ay ibinabala batay sa datos na inilabas ng Department of Health (DoH) at Integrated Provincial Health Office Region 12.


Ayon kay Disease and Surveillance Officer Cecile Lorenzo, kahit mataas ang kaso ng dengue sa lugar, mababa naman ang na-report na bilang ng fatality at ngayong buwan ng Nobyembre, nakapagtala ng mahigit 2,600 na kaso ang South Cotabato at siyam dito ang namatay.


Sa ngayon, nasa low level alert na ang South Cotabato, ngunit ayon sa obserbasyon, nagbago na ang buwan na may mataas na kaso ng dengue kung ikokompara noong 2010 at 2011.


Dahil dito, hinihikayat ni Lorenzo ang mamamayan na sundin ang 4S: ang Search and Destroy sa mga breeding ground ng mga lamok; Seek early medical consultation; Say No to indiscriminate fogging; at Self-Protection o ang pagsusuot ng mahabang sleeve upang hindi makagat ng mga lamok.


The post Dengue alert ibinabala sa South Cotabato appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Dengue alert ibinabala sa South Cotabato


No comments:

Post a Comment