Monday, November 18, 2013

DELeague: 2 huling puwesto sa semis, pag-aagawan

Mga Laro ngayon (Marikina Sports Center):

7 p.m. — PL Antipolo vs MJM Production

8:30 p.m. — Skyforce Team vs Sealions


Paglalabanan ng apat na koponan ngayon ang huling dalawang semifinals berth ng 3rd DELeague Kap. Rudy Francisco Cup sa Marikina Sports Center.


Magsasagupa ang PL Antipolo at MJM Production (Team Zamboanga) ganap alas-7 ng gabi habang magtutuos naman ang Skyforce Team at Sealions dakong alas-8:30 ng gabi. Ang mananalo sa mga larong ito ay uusad sa round-robin semifinal round kasama ang wala pang talong Sta. Luicia East Grand Mall at Hobe Bihon.



Linggo ng gabi ay tinisod ng MJM Productions ang mas pinapaborang ACS Team, 97-92, habang pinataob naman ng Skyforce Team ang FEU-NMRF, 72-65.


Umiskor ng 21 puntos si Mike Tolomia at nag-ambag ng 18 puntos at 12 rebounds si Choi Ignacio para pangunahan ang MJM Productions laban sa ACS Team.


Nagbida naman para sa Skyforce Team noong Linggo ang dating PBA player na si Marlou Aquino na kumulekta ng 14 puntos at limang rebounds.


Ang semifinal round ng ligang itinataguyod ni Mayor Del De Guzman at sinusuportahan ng Philippine Business Bank-Marikina Branch, Hotel Sogo, Josiah Catering Inc., St. Anthony Medical Center Marikina Inc., PCA Marivalley, Mared Rubber and Marketing Corp., The Playground Premium Outlet Store, Luyong Panciteria, Mckie’s Construction Equiptment Sales and Rentals, Tutor 911, Azucar Boulangerie and Patisserie, Maic’s Gym, Mylene’s Ensaymada Bananacake, Pancit ng taga Malabon, at Villaronar Resort ay mag-uumpisa sa Huwebes kung kailan agad na magsasagupa ang Season One champion Sta. Lucia at nagdedepensang kampeong Hobe Bihon. (Angie Oredo)


.. Continue: Balita.net.ph (source)



DELeague: 2 huling puwesto sa semis, pag-aagawan


No comments:

Post a Comment